Sunday, September 5, 2010

My Favorite Bob Ong Quotes


My Favorite Bob Ong Quotes

Di naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo. Isang tao lang buo na ang mundo mo.

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sayo eh..Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.

mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo....

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”


“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

"Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko"

" alam mo ba ang pinag kaiba ng bulag at ng mga nakakakita? hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

bakit ka pa maghihintay kunga wala naman na ang taong nag aabang

No comments:

Post a Comment